Nag-aalok ng scholarship program ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at PHINMA Education Holdings para sa mga kwalipikadong 4Ps beneficiaries sa CALABARZON na nais mag-aral sa kolehiyo sa school year 2027–2028.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, sa ilalim ng Hawak Kamay Scholarship Program, maaaring mag-apply ang mga interesadong estudyante sa tatlong paaralan ng PHINMA sa Laguna at Cavite.
Para sa Rizal College of Laguna sa Calamba City, Union College of Laguna sa Santa Cruz at St. Jude College sa Dasmariñas City, maaaring makita ang mga registration link sa opisyal na Facebook page ng DSWD Field Office 4A.
Magsasagawa rin ang PHINMA ng mga orientation sa mga paaralan upang gabayan ang mga aplikante sa proseso ng pagpaparehistro.
