Pinag-iingat ng BOC ang publiko laban sa mga nagpapaligaw o nakikipagrelasyon online lalo na sa mga dayuhan.
Ito ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ay dahil sa pagdami ng insidente ng scam na naitatala nila sa nakalipas na mga buwan.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ng Customs Chief na umaabot ng 74 na reklamo kada buwan ang natatanggap nila.
Pinakamatindi aniya ang isang nakatatanda na isinama ng mga anak matapos mahiritan ng tinatayang ₱9-milyong piso ng kanyang online boyfriend.
Modus aniya ng mga love scammer na magpa-ibig ng Pinay na padadalhan ng mga regalo pero kalaunan sila naman ang manghihingi ng $1,000 hanggang $2,000 para umano pangproseso ng regalo sa Customs.
Dagdag pa ng Customs Chief na kung dati ay senior citizens ang tina-target, may mga naitatala na sila ngayon na biktima na edad 30 hanggang lagpas 40-anyos.