Kinilala ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang Bureau of Customs o BOC, Department of Agriculture o DA, at Philippine Navy matapos maharang ang dalawang cargo vessel na may dalang bigas na nagkakahalaga ng 700 milyong piso.
May kabuuang 20,000 metric tons ng bigas mula Vietnam ang MV Tay Son 2 at MV Lucky Star, na naharang noong Setyembre 17 at 21 dahil sa kuwestiyonableng dokumento at kinanselang sanitary at phytosanitary permits.
Ayon kay Pangilinan, posibleng may paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024 batay sa paunang imbestigasyon.
Tiniyak naman ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno na paiigtingin ng BOC ang pagbabantay sa mga pantalan at pakikipagtulungan sa DA upang maprotektahan ang mga lokal na magsasaka.