Isusumite ng National Bureau of Investigation sa Ombudsman ang kanilang referral sa umano’y discrepancies sa deklaradong properties sa SALN ni Vice President Sara Duterte.
Sa ambush interview, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na ieendorso nila ang kahon-kahong findings ‘for further investigation.’
Nakatuon aniya ang referral sa deklaradong agricultural land ng Bise sa Barangay Catigan sa Davao City na may declared value na P890,000 pero isa pala umanong resort at mansyon na nagkakahalaga talaga ng P40M hanggang P61M.
Una nang sinabi ni Matibag na sinisilip nila ang anggulo ng money laundering kaugnay ng mga ari-arian nina VP Sara at Cong. Pulong Duterte. | ulat ni Aj Ignacio