Photo courtesy of Bureau of Immigration
Inaresto ng Bureau of Immigration o BI sa Bacong, Negros Oriental ang isang Swedish national na wanted sa Finland sa mga kasong pandaraya at sakop ng Interpol Red Notice.
Ayon kay BI Fugitive Search Unit Chief Rendel Ryan Sy, nadakip ang 35-anyos na si Andre Per Michael Palmqvist noong Oktubre 4 sa Barangay Banilad matapos makatanggap ng impormasyon mula sa Nordic Liaison Office sa Maynila.
Nahaharap si Palmqvist sa mga kasong aggravated fraud at attempted aggravated fraud dahil sa umano’y pagkuha ng mga inuupahang kagamitan at iba pang produkto sa pamamagitan ng panlilinlang.
Batay sa rekord ng BI, overstaying na siya mula Agosto 2025.
Nakakulong si Palmqvist sa BI Warden’s Facility sa Taguig City habang hinihintay ang proseso ng deportasyon.