Photo Courtesy of BOC
Pinayuhan ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang mga Overseas Filipino Worker o OFW na pumili ng lehitimong consolidators at forwarders para sa kanilang balikbayan boxes ngayong Kapaskuhan.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Nepomuceno na may panibagong 17 containers na may tinatayang 10,000 balikbayan boxes mula sa parehong consolidators at deconsolidators na sangkot sa mga naunang inabandonang padala.
Ginagawan na ng Bureau of Customs o BOC ng paraan na maihatid ang mga ito sa mga may-ari. Nai-deliver na rin nang door-to-door ang 42 na inabandonang kahon.
Pinayuhan ni Nepomuceno ang mga OFW at kanilang pamilya na tingnan sa opisyal na website ng BOC ang listahan ng mga kinasuhang kumpanya upang maiwasang gamitin ang kanilang serbisyo.