Naglabas na ng paalala ang ilang regional office ng Department of Tourism para sa mga establisyimento, tour operators at iba pang destination manager na maghanda para sa posibleng epekto ng very strong El Niño sa bansa.
Sa paalala ng DOT hinihikayat ang mga stakeholders na imonitor ang mga opisyal na weather bulletin, magtipid ng tubig at tiyakin na may sapat na suplay para sa mga turista at mga empleyado. Unahin din ang kaligtasan ng mga turista and manggagawa kapag may nararanasang matinding init.
Paalala pa ng DOT makipagugnayan sa nga LGU at emergency response agencies kung may panganib sa mga bisita sa establisyimento.
Huwag ring kalimutang mag-abiso sa mga bisita kung may temporary closure at adjustment sa ilang aktibidad dahil sa klima.
Para naman sa mga turista, paalala din ng DOT uminom ng tubig at kung maaari iwasan muna ang outdoor activities kapag may matinding init.