Naghahanda na rin ang Department of Education (DepEd) para sa posibleng epekto ng inaasahang very strong El Niño sa bansa.
Sa isang panayam kay DepEd Secretary Sonny Angara sa isang eskwelahan sa Makati City, hindi na nila nire-require ang mga estudyante na mag-uniporme para sa mga pamilya na hirap sa tubig sa paglalaba at bilang panlaban sa posibleng matinding init.
Ayon kay Angara, ang prayoridad ay magtuloy-tuloy ang pag-aaral ng mga estudyante kahit na El Niño
Pinaplano din naman ng DepEd na magkaroon ng solar power system sa nga eskwelahan upang magamit ang matinding init na makatipid ng kuryente sa mga paaralan at matiyak na hindi magkaroon ng power interruptions at na may maayos na bentilasyon sa mga classroom para sa mga estudyante.