Hinamon ni National Bureau of Investigation Director Melvin Matibag si Vice President Sara Duterte na kasuhan siya kung sa tingin nito ay may mali sa ginagawa nilang imbestigasyon.
Kaugnay ito ng naging pahayag ni Matibag na nadiskubre nilang may mga ari-arian umano ni VP Sara ang nakadeklara bilang agricultural land sa kanilang SALN pero may milyon-milyon pa lang halaga na property.
Ayon kay Matibag, hindi dapat tingnan kung biased siya o hindi bilang sagot sa ginagawa nilang imbestigasyon. Mas makabubuti kung sagutin nila ang nga nadiskubre ng NBI.
Pero kung talagang tingin nila ay mali ang NBI hinamon ni Matibag na kasuhan na lang aniya siya.
Pinagdiinan naman ni Matibag na may hurisdiksyon sila na imbestigahan ang kaso.