Positibo ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa panibagong record-breaking year dahil posibleng mahigitan ang P300-B investment approval target para sa taong ito.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, nakatakdang aprubahan sa susunod na linggo ang tatlong malalaking proyekto na nagkakahalaga ng ₱3-bilyon.
Tumanggi naman ang opisyal na pangalanan ang tatlong kompanya, subalit kabilang aniya ang mga ito sa semiconductor at hyperscale technology sectors.
As of September, mahigit ₱297-bilyong halaga ng pamumuhunan ang naaprubahan na ng PEZA.
Nasa ₱10-bilyon naman na halaga ng investment pledges ang susuriin ng PEZA Board sa susunod na linggo.