Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Philippine Coast Guard o PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa patuloy na pagsuporta nito sa modernisasyon ng ahensya at sa kapakanan ng mga tauhan.
Ipinahayag ni Gavan ang pasasalamat sa pagdiriwang ng 125th Founding Anniversary ng PCG na ginanap sa Eva Macapagal Super Terminal sa Maynila nitong Biyernes, Oktubre 16, 2026.
Ayon kay Gavan, ang tiwala at suporta ng Pangulo ay lalong nagpatibay sa kakayahan ng PCG na maglingkod sa bansa.
Tiniyak din niya na magsisikap ang mga tauhan ng Coast Guard na manatiling karapat-dapat sa naturang tiwala. Bukod dito, nagpasalamat din si Gavan kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa patuloy nitong pag-alalay sa mga pamilya ng Coast Guard, lalo na sa pamamagitan ng mga programang pangkalusugan at tulong-medikal.