Ikinatuwa ni Quezon Representative Mark Enverga ang desisyon ng Philippine Competition Commission (PCC) na patawan ng ₱1.76 billion na multa ang anim na kumpanyang sangkot sa manipulasyon ng suplay at presyo ng sibuyas.
Ayon kay Enverga, na Chairperson ng House Committee on Agriculture and Food, malaking tagumpay ito para sa mga local farmer at sa mga mamimili.
Aniya, labis na naapektuhan ang consumers noong pumalo sa ₱800 ang kilo ng sibuyas noong 2022.
Mula sa 12 pagdinig ng Kamara, nabuking ang diumano’y grupo ng mga negosyante na nakaugnay sa tinaguriang “Sibuyas Queen” na si Leah Cruz.
Giit pa ng mambabatas, hindi dapat magtapos sa multa ang parusa dapat ding sampahan ng kasong kriminal at makulong ang mga responsable.
Kabilang sa mga pinasalamatan ni Enverga si former Congresswoman Stella Quimbo, at namayapang kasamahan na si Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr., at lahat ng mga miyembro ng House Committee on Agriculture and Food sa kanilang dedikasyon at suport sa imbestigayon.