Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development na palakasin ang mga hakbang laban sa bullying upang maiwasan itong mauwi sa karahasan.
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, dapat agad tugunan ang bullying dahil nakaaapekto ito sa emosyonal na kalagayan at pag-aaral ng mga bata.
Binigyang-diin niya ang pagtutulungan ng mga magulang, paaralan, at awtoridad upang maprotektahan ang mga bata.
Kasunod ito ng pananaksak sa pagitan ng dalawang Grade 6 pupil sa Macabalan Elementary School sa Cagayan de Oro City noong Oktubre 16.
Nasa Bahay Pag-Asa na ang menor de edad na suspek, habang nasa maayos nang kondisyon ang biktima.
Nakatakda ring magbigay ng tulong pinansyal ang DSWD sa biktima at sa kanyang pamilya.