Naghahanda na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa nga paliparan para sa Undas ngayong taon.
Ayon sa CAAP magdaragdag ng mga security at health personnel sa mga paliparan hindi lang sa mismong November 1 at 2 kundi sa bisperas ng undas upang matiyak ang kaligtasan ng nga pasahero.
Magpapakalat din ng mga help desk na madaling malalapitan ng mga may concern sa kanilang byahe.
Ayon sa CAAP tuwing holiday season inaasahan na ang dagsa ng mga pasahero kaya payo rin ng ahensya sa mga may flight lalo na sa international pumunta sa paliparan tatlong oras bago ang byahe upang maiwasan ang aberya. Kung maaari din sana iwasan ang anumang uri ng “bomb joke” dahil may karampatan itong parusa.