Inilahad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ginagawa ng pamahalaan kaugnay ng patuloy na suporta ng kanyang Administrasyon sa mga nurse sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa ika-69 na Nurses Week Celebration at 2026 National Annual Convention ng Philippine Nurses Association, inihayag nito na kabilang ang pagdaragdag sa Health Emergency Allowance ng mga health worker kapwa sa pampubliko at pribadong sektor.
Mula aniya sa ₱6.8 billion noong 2022 ay umabot na ito sa ₱110 bilyong piso para sa taong 2026.
Bukod pa dito ayon sa Pangulo, ang pagbibigay-tulong sa paghahanda para sa licensure examination ng mga nursing graduate na hindi pa pasado sa nursing licensure exam.
Ito ay sa pamamagitan ng Clinical Care Associates Program.
Ikatlo sabi ng Pangulo ay ang pag-aalis sa moratorium sa pagbubukas ng mga bagong Bachelor of Science in Nursing program dahila para tumaas mula 354 noong July 2022 sa 425 nitong Hunyo 2026 ang bilang ng mga higher education institution na nag-aalok ng kursong Nursing.