Pinuri ng Regional Cooperation Agreement on Combating Piracy and Armed Robbery against Ships in Asia (ReCAAP) ang pinagsamang pagsasanay ng Philippine Coast Guard (PCG) at Japan Coast Guard, na naglalayong palakasin ang pagtugon sa mga krimen sa dagat kabilang ang piracy at robbery.
Ayon kay ReCAAP Executive Director Vijay Chafekar, matagumpay at propesyonal na isinagawa ang pagsasanay ng kapwa coast guard ng dalawang bansa. Gumamit ang mga tauhan ng Pilipinas at Japan ng mga patrol boat at drone sa isang makatotohanang senaryo.
Binigyang-diin ni Chafekar na mahalaga ang tuloy-tuloy na komunikasyon at kooperasyon ng mga bansa upang mapanatiling ligtas ang daloy ng kalakal sa karagatan sa rehiyon ng Asya.