Diplomasya sa halip na pagpapalala ng tensyon.
Ito ang panawagan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa gitna ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Sa isang Facebook livestream, sinabi ni Cayetano na dapat ipaglaban ng Pilipinas ang soberanya at karapatan nito nang iniiwasan ang mga hakbang na maaaring magpalala sa sigalot.
Kasunod ito ng pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa laban sa Pilipinas.
Babala ng minority leader, ang mga ordinaryong Pilipino ang maaapektuhan kung lalala ang alitan.
Kaya sa halip na pagtuunan lang ang geopolitics, dapat din aniyang tutukan ng gobyerno ang mga isyu ng bansa gaya ng mataas na presyo ng kuryente at langis, kawalan ng trabaho, korapsyon at iba pa.
Binigyang diin ng minority leader, dapat unahin amg pambansang interes ng Pilipinas at hindi dapat maging pro-China o pro-US ang ang ating bansa.