Photo courtesy of Senate of the Philippines
Nanawagan si Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Bam Aquino sa Department of Education (DepEd) na paghandaan ang posibleng kakulangan sa tubig at matinding init sa mga paaralan na idudulot ng Super El Niño sa mga susunod na buwan.
Sa naging pagdinig sa panukalang 2027 budget ng DepEd, pinaalala ni Aquino na dapat matiyak na may sapat na tubig-inumin, tubig sa mga palikuran at canteen para mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng mga mag-aaral.
Minungkahi rin ni Senator Bam kay Education Secretary Sonny Angara na maglaba ng memorandum para sa mga school principal at guro tungkol sa paghahanda sa El Niño, gaya ng pag-iimbak ng tubig gamit ang mga timba at jerrycan.
Pinaliwanag naman ni Angara na bukod sa mga lokal na pamahalaan ay may kapangyarihang rin ang mga opisyal ng pamahalaan na magpasya sa suspensyon ng klase, kapag umabot sa na po sa manganib na antas ang init o emergency ang sitwasyon.