Tinatanggap na sa limang sangay ng Southstar Drug sa Quezon City ang Guarantee Letters (GLs) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagbili ng mga gamot ng mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program.
Pormal na nilagdaan ng DSWD at Robinsons Retail Holdings ang kasunduan ngayong araw, Oktubre 20 upang mapalawak ang access sa gamot ng mga indibidwal na nasa krisis.
Kabilang sa mga tumatanggap ng Guarantee Letters ang mga sangay sa Holy Spirit, Shopwise Commonwealth, Puregold Commonwealth, at San Simon Street.
Ayon sa DSWD, palalawakin pa sa buong bansa sa 2027 ang partnership upang mas maraming benepisyaryo ang makinabang.
Tumatanggap din ng Guarantee Letters ang Mercury Drug at Generika Drugstore, gayundin ang ilang sangay ng St. Joseph Drug sa Luzon.
Batay sa DSWD, mahigit isang milyong kliyente ang napagkalooban ng tulong sa pamamagitan ng Guarantee Letters mula Enero hanggang Setyembre 2026.