Maigting ang pakikipag-ugnayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang lokal na pamahalaan upang hindi na magamit pa ang mga paaralan bilang evacuation center.
Batid ni DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, na kahit pa sa kasagsagsagan ng sakuna mahalagang hindi maging hadlang ang paglilikas ng mga apektadong residente sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga estudyante.
Kaya naman katuwang ang camp management and coordination team ng DSWD ay sinisikap ng bawat lokalidad na magtalaga ng mga evacuation center na hindi na umaasa pa sa mga paaralan.
Sa tulong nito ani Dumlao ay nabibigyang prayoridad din ang learning continuity ng mga kabataan habang patuloy na tumutulong sa mga internally displaced persons.