Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pormal na pagkakasama ng MYNT sa Philippine stocks Exchange (PSE).
Ang MYNT ay parent company ng Gcash na noong nakaraang buwan ay naaprubahan ang aplikasyon nito para sa Initial Public Offering (IPO).
Ayon kay Pangulong Marcos, ang nasabing development ay magbibigay-daan upang ang mga ordinaryong mamamayan ay makapag-invest sa stocks gamit ang Gcash.
Nito lamang ika-6 hanggang ika-12 ng Oktubre sabi ng Pangulo ay may mga bumili na ng stocks ng MYNT sa halagang ₱660 na katumbas ng 100 shares gamit ang Gcash app.
Ipinapakita lamang aniya nito na sa pamamagitan ng digital technology ay mas napapadali ang pag-access ng bawat isa sa investment opportunities.
Maganda ayon sa Pangulo ang timing ng pagkakasama ng MYNT sa stocks exchange lalo’t nangangailangan ang stock market ng panibagong interes mula sa mga mamumuhunan at mas malawak na partisipasyon ng publiko.