Photo courtesy of DSWD - NIR
Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mas malawak na suporta at pang-unawa para sa mga indibidwal na may Attention Deficit/Hyperactivity Disorder (AD/HD).
Ipinagdiriwang ang National ADHD Awareness Week mula Oktubre 18 hanggang 24.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao , mahalaga ang maagang pagtukoy sa kondisyon upang mabigyan ng angkop na gamutan at gabay ang mga apektado.
Hinimok din ang paglikha ng inklusibong kapaligiran sa mga paaralan, trabaho, at komunidad.
Sa pamamagitan ng DARE CAREvan at Island CAREvan, nag-aalok ang DSWD at National Council on Disability Affairs (NCDA) ng libreng developmental assessment at interbensyon para sa mga batang may developmental delays at ADHD.