Malugod na tinanggap ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-apruba ng Department of Budget and Management (DBM) sa 3,610 contractual positions para palakasin ang serbisyo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Ayon kay DSWD Office of Program Services and Interventions Director Atty. Mary Rose Oquindo-Pasibi, makatutulong ang mga Social Welfare Assistant sa pamamahala ng mga kaso ng mahigit 3.5 milyong benepisyaryo.
Bahagi ito ng pagpapalakas sa case management at pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang kabilang sa programa.
Gagamitin din ang 4Ps Forward Digital System upang mapahusay ang beripikasyon, pag-update ng datos at pagproseso ng mga kaso.
Ipamamahagi ang mga posisyon sa 17 field offices ng DSWD, alinsunod sa umiiral na mga patakaran sa civil service Bahagi ito ng planong magdagdag ng 10,850 posisyon sa tatlong yugto upang mapahusay ang serbisyo at matiyak ang angkop na tulong sa mga benepisyaryo.