Photo courtesy of Senate of the Philippines
Maagang naghain ng formal offer of evidence ang House prosecution panel upang maiwasan ang posibleng pagkaantala sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa November 9.
Ayon kay private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, inihain nila ito nitong Martes upang mabigyan ng sapat na panahon ang impeachment court na resolbahin ang mga pagtutol ng depensa.
May 10 araw ang kampo ni Duterte mula sa pagtanggap ng dokumento upang magsumite ng komento at mga pagtutol sa mga ebidensiyang nais ipagamit ng prosecution.
Kabilang sa mga ebidensiya ang mga financial record at testimonya kaugnay ng mga ari-arian, corporate interests, at mga transaksiyong iniuugnay sa Bise Presidente at sa kaniyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Ayon kay Kapunan, mahalagang maresolba ang mga usapin sa admissibility ng ebidensiya bago magbalik ang paglilitis upang hindi ito maging dahilan ng pagkaantala.
Kailangan ding pangalanan ng depensa ang mga testigong ihaharap nito limang araw bago ang paglilitis upang maihanda ang mga subpoena at ang cross-examination ng prosecution.