CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 90?
Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Regulatory Office na naghahanda na ang mga water concessionaire sa Metro Manila para maiwasan ang krisis sa suplay ng tubig sa gitna ng inaasahang Super El Niño.
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang 2027 budget ng DENR, kung saan attached agency ang MWSS, sinabi ni MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty na sinimulan nila ang paghahanda noong 2022, kabilang ang pagpapalawak ng mga pasilidad sa water treatment at paghahanap ng alternatibong pagkukunan ng tubig.
Ayon kay Ty, umabot sa pinakamababang naitalang antas na 150 meters ang Angat Dam noong July 2026 pero naiwasan ang krisis dahil sa mga bagong proyekto at hakbang ng Maynilad at Manila Water.
Kabilang sa mga hakbang ang paggamit ng treated wastewater bilang karagdagang pagkukunan ng maiinom na tubig, pagpapababa ng water losses sa mga tubo at paghahanda ng mga mobile water tanker at imbakan ng tubig para sa emergency.
Samantala, umaasa naman si Senador Risa Hontiveros na magkakaroon din ng katulad na paghahanda ang mga ahensiya sa ibang bahagi ng bansa para matiyak ang sapat na suplay ng tubig sa inaasahang pag-iral ng Super El Niño.