Ipinanukala ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang 7.58 bilyong piso para sa PAyapa at MAsaganang PamayaNAn o PAMANA Peace and Security Convergence Program sa pambansang badyet sa 2027.
Ayon sa Department of Budget and Management o DBM, target nitong pondohan ang 256 na proyektong pang-imprastraktura at tulong pang-edukasyon para sa 16,150 estudyante sa mga komunidad na apektado o nanganganib maapektuhan ng sigalot.
Sakop ng programa ang mga kalsada, tulay, suplay ng tubig, elektripikasyon at tulong pangkabuhayan.
Binigyang-diin ni DBM Acting Secretary Kim Robert C. De Leon na bukod sa seguridad, mahalaga ang tiwala sa pamahalaan, pakikilahok ng mamamayan at oportunidad sa kabuhayan upang makamit ang pangmatagalang kapayapaan.