Photo courtesy of Bureau of Immigration
Pinag-aaralan ng Bureau of Immigration (BI) at Office of the National Administrative Service (ONAR) ang posibleng pagtutulungan para mapahusay ang pamamahala sa mga patakaran sa imigrasyon at pagsasanay ng mga kawani.
Sa pulong noong Oktubre 10 sa UP Law Center, tinalakay ang mas maayos na pag-audit, pagkuha, pagsusuri at pagsasama-sama ng mga patakaran upang mapadali ang pag-access sa impormasyon at maging pare-pareho ang pagpapatupad nito.
Kasama rin sa pinag-usapan ang patuloy na legal education para sa mga abogado at pagpapahusay ng Quality Management System ng BI.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, mahalagang palakasin ang mga patakaran, proseso at kakayahan ng mga kawani kasabay ng modernisasyon ng ahensya.