Photo courtesy of DOF
Patunay ng lumalagong digital economy ang public listing ng kauna-unahang electronic wallet sa Philippine Stocks Exchange.
Kamakailan, pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si Finance Secretary Frederick Go ang ginanap na bell-ringing ceremony upang markahan ang makasaysayang pagtatala ng Mynt, Inc. sa PSE.
Ang Mynt ay strategic partnership ng Globe Telecom, Ayala Corporation, at Ant Group, ito rin ang parent company ng GCash.
Ayon sa DOF ang pagpaparehistro ng GCash sa stock market ay nagpapakita ng tumataas na tiwala sa digital economy ng Pilipinas, sa pagpapalawak ng access sa ligtas at maginhawang serbisyong pinansyal.
Nagbibigay daan din ito sa mas magagandang oportunidad para sa mga Pilipino na makabahagi sa digital ecosystem.
Dumalo rin sa makasaysayang public listing sila, Securities and Exchange Commission (SEC) Chairperson Francis Lim, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Monetary Board Member Romeo Bernardo, at mga opisyal ng PSE sa pangunguna ng Presidente at CEO na si Ramon S. Monzon.