Isinusulong ni Albay 3rd District Representative Raymond Adrian Salceda ang pagpapatibay ng mga panukalang batas para sa sustainable developmentng apat na likas at pangkasaysayang destinasyon ng probinsya.
Ayon kay Salceda, may natatanging yaman na karapat-dapat tuklasin ng mga lokal at dayuhang turista.
Kabilang sa mga panukalang batas na kanyang inihain ay ang:
- House Bill No. 4002 na layong gawing tourist destination ang Mount Quiasog, Libon na siyang magbubukas ng oportunidad para sa mga local tourist, arts at ang negosyo sa komunidad.
- House Bill No. 4008 para ipromote ang Simeon Ola Cave, Guinobatan bilang isang pangkasaysayang ecotourism site.
- House Bill No. 4010 pagpapaunlad ng Jovellar Cave at Underground River, Jovellar at ang
- House Bill No. 4013 na layong idevelop ang Buhawi Hills, Pio Duran para sa trekking at eco-adventure.
Ipinunto ni Salceda na ang apat na panukalang ito ay hindi lamang para sa tursimo bagkus upang pangalagaan ang kalikasan.
Giit ng Albay solon, hangad niyang manatili ang kanilang kasaysayan at kultura hanggang sa mga susunod na henerasyon.