Photo courtesy of Department of Migrant Workers (DMW)
Patuloy ang pag-apela ng Department of Migrant Workers o DMW para sa karagdagang pondo upang maisagawa ang mga programang titiyak sa kaligtasan at kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker o OFW.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac bagamat sapat ang pondong inilaan sa kanilang ahensiya para sa susunod na taon ay humihiling pa sila ng kaunting dagdag sa para sa action funds.
Ani Cacdac napakahalaga ng ginawang pagbibigay prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa DMW dahil sa loob ng dalawang magkasunod na taon ay nakatanggap sila ng double digit budget na labis na nakatulong para sa lahat ng OFW na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan.
Sa ngayon kasi ay hindi pa rin tiyak kung matatapos na ba ang gulo sa Middle East bagay na tinututukan pa rin ng pamahalaan.
Higit kasi sa repatriation at pagbibigay ng ayuda ay saklaw din nito ang iba pang programa upang matulungan ang mga OFW na pinili nang bumalik sa bansa at dito na ipagpatuloy ang kanilang pagta-trabaho.