Nakatakda na namang mamahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng dalawang buwang cash aid sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng UPLIFT program.
Ayon kay DSWD spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, sakop nito ang Setyembre at Oktubre.
Sa Group 2 beneficiaries na may registered e-wallets at bank accounts, ike-credit ang P4,000 sa November 6.
Ayon pa kay Dumlao, ang walang digital o bank accounts ay makatatanggap ng tulong sa manual payout mula November 2 hanggang 30.
Samantala, makatatanggap din ng cash aid ang mga kwalipikadong SSS members sa pamamagitan ng kanilang enrolled accounts.
Pinayuhan ang mga benepisyaryo na abangan ang opisyal na anunsyo ng DSWD tungkol sa payout schedule at venue.
