Photo courtesy of Land Transportation Office
Tuloy-tuloy ang operasyon ng Land Transportation Office sa mga bus terminal sa Metro Manila bilang bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos” Undas 2026.
Sa isinagawang roadworthiness inspection sa Manila Bus Terminal, 17 bus ang nakapasa sa inspeksiyon.
Kabilang sa mga sinuri ang Santrans, Philippine Rabbit, Five Star, Sta. Lucia, Candon Bus Terminal, Bataan Transit, Genesis, Florida at Dalin.
Nauna rito, siyam sa 10 sinuring bus sa mga terminal ng Five Star, First North Luzon Transit, Cisco at Bataan Transit ang nakapasa.
Isang bus ang hindi pumasa dahil sa sirang reverse light at plate light, gayundin sa expired na fire extinguisher.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, hindi ito papayagang bumiyahe ang alinmang bus hangga’t hindi naaayos ang mga depekto.
Samantala, walang nakitang problema sa mga bus na sinuri sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), gayundin sa mga unit ng Victory Liner, First North Luzon at Five Star sa Caloocan City.
Ngayong Lunes, October 26, 2026 ay nagsagawa ng inspeksyon sa Five Star terminal sa QC kasama ang Philillipine Coast Guard at MMDA.