Nakaalerto na ang Bureau of Fire Protection (BFP) para matiyak ang kaligtasan ng publiko ngayong Undas.
Mula October 28 hanggang November 3, paiigtingin ng ahensya ang pagbabantay sa mga sementeryo, terminal at mga bahay na maiiwang walang tao.
Sa ilalim ng Oplan Kaluluwa 2026, ipatutupad ang Code Blue sa October 28 hanggang 29 at Code Red mula October 30 hanggang November 3.
Ayon kay BFP Officer-in-Charge FCSUPT Wilberto Rico Neil Kwan Tiu, mahigit 24,000 tauhan, kasama ang mga fire truck at ambulansya, ang ipakakalat sa buong bansa para sa agarang pagtugon sa mga emergency.
Makikipag-ugnayan din ang BFP sa Unified Emergency Hotline 911 para mapabilis ang pagresponde sa mga insidente.
Paalala ng BFP, mag-ingat sa paggamit ng kandila, huwag magsunog ng basura at patayin ang main electrical breaker kung walang maiiwang tao sa bahay.
Sa oras ng emergency, tumawag sa 911 o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na fire station.