Awtomatikong hindi muna papayagang magmaneho ng pampublikong sasakyan ang mga driver na magpopositibo sa drug test.
Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Law Enforcement Chief Allan Nobleza, kailangang sumailalim sa confirmatory test ang mga nagpositibo.
Kapag nakumpirmang positibo, posibleng masuspinde o bawiin ang kanilang Driver’s License.
May kaakibat din itong rehabilitasyon upang matugunan ang kanilang kalagayan.
Samantala, tuloy-tuloy ang operasyon ng LTO bilang bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos – Undas 2026.
Kabilang sa tinututukan ng ahensya ang mga kaso ng overcharging at mga iligal na kasunduan sa pagitan ng mga driver at pasahero.