Matataas na opisyal ng PNP, nagsasagawa ng command conference ngayong umaga
Pinulong ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya ngayong araw.
Sa impormasyon mula sa PNP Public Information Office (PIO), dumalo sa naturang pulong ang Command Group, Regional Directors at iba pang opisyal.
Dito, inilatag ni Nartatez ang kaniyang mga direktiba at magkakaroon din ng pag-uulat ang mga Regional Director gayundin ang mga unit commander tungkol sa kanilang mga accomplishment.
Bukod sa latag ng seguridad sa ASEAN Defense Ministers’ Meeting sa Cebu, paksa rin ng pulong ang mga paghahanda para sa UNDAS 2026.
About the Author
Rodel Come
Editor
Ivatan born. Graduate of the Technological Institute of the Philippines – Quezon City (TIP-QC). Currently, I serve in the Digital Media Division of the Presidential Broadcast Service