Photo courtesy of OWWA
Nasa 60 Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Riyadh, Saudi Arabia ang nakabalik na sa Pilipinas.
Ito’y sakay ng Qatar Airways Flight QR928 na dumating sa NAIA Terminal 3 bandang alas-10 kagabi (October 25).
Bilang bahagi ng patuloy na repatriation efforts ng Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ibiniyahe muna ang mga manggagawa mula Riyadh patungong Al Qassim upang makasakay ng kanilang flight pauwi.
Sa kanilang pagdating, umabot na sa 365 OFWs ang kabuuang bilang ng mga napauwi mula Saudi Arabia.
Patuloy ang OWWA sa pagbibigay ng airport assistance, kabilang ang transportasyon, pansamantalang matutuluyan, at domestic flight assistance, batay sa pangangailangan ng mga manggagawa.
Ayon kay OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan na ang bawat OFW na ating napapauwi ay isang kababayang muling makakasama ang kanyang pamilya.
Dagdag pa ni Admin Caunan, na patuloy ang kanilang pag-alalay hanggang sa makabalik sila sa kani-kanilang tahanan.