Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makiisa sa isasagawang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Nov 5, 2026 ganap na alas-9:00 ng umaga.
Layon ng pagsasanay na maihanda ang publiko sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa pamamagitan ng pagsasagawa ng “Duck, Cover, and Hold” at evacuation drill.
Isasagawa ang ceremonial pressing of the button sa Cagayan Valley, ganap na alas-9:00 ng umaga bilang hudyat ng pagsisimula ng earthquake drill.
Sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, inaasahang higit na magiging handa at maiiwasan ang pagkataranta ng publiko sakaling aktuwal na tumama ang lindol.
Tampok dito ang iba’t ibang scenario-based drills gaya ng mass casualty management, hazardous materials response, fire at oil spill containment at collapsed structure search and rescue.