Pinag-aaralan ng Bureau of Internal Revenue na palawakin ang one-time tax abatement program nito.
Layunin nito na maisama ang small taxpayers o mga negosyong may taunang gross sales na P3 milyon hanggang mas mababa sa P20 milyon.
Sa datos ng BIR, umabot na sa 3,929 micro taxpayers ang nakinabang sa programa, na may kabuuang P266.79 milyong buwis at penalties na naibsan, hanggang October 24, 2026.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza,sa ngayon, saklaw ng programa ang micro taxpayers na may taunang gross sales na mas mababa sa P3 milyon at kwalipikadong obligasyong hindi lalampas sa P 80,000 kada taxable year, kapalit ng P5,000 abatement fee.
Ayon pa kay Mendoza, mananatiling bukas ang programa hanggang December 31, 2026. | ulat ni Rey Ferrer