PNP, wala pang inilalabas na wanted poster para kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa
Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na wala pa itong inilalabas na wanted poster para kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol Allen Rae Co, maglalabas lamang sila nito kung makikita nilang kailangan at makatutulong ito sa pag-aresto sa senador.
Sa ngayon, sinabi ni Co na tuloy-tuloy ang operasyon at intelligence efforts ng PNP, at gagamitin nito ang lahat ng legal na paraan para maisakatuparan ang kanilang mandato.
Matatandaang una ng naglabas ang PNP ng mga hotline para sa impormasyon sa kinaroroonan ng senador. | ulat ni Diane Lear