Karagdagang ₱30 million ang hinihiling na pondo ng Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Soils and Waste Management para sa cloud seeding operations sa Negros Island Region.
Ayon kay DA Regional Director Albert Barrogo, pumalo na kasi sa mahigit ₱41 million ang crop damage sa Negros Occidental dahil sa moisture stress bunsod ng dry conditions.
Umabot sa ₱38.2 million ang pinsala sa mga palayan habang ₱3.7 million naman sa mga pananim sa mais.
Umaasa ang opisyal na masisimulan ang cloud seeding operations sa Disyembre kung kailan higit na kailangan ng tubig para sa rice fields at high-value crops.
Nananatili namang maayos ang irrigated rice fields sa naturang lugar.