Tiwala si dating Transportation Secretary Giovanni Lopez na mapapabilis ni newly appointed Transportation Secretary Vince Dizon ang pagtatayo ng mga transportation project.
Ayon kay Lopez, marami nang ipinatupad na reporma para maresolba ang mga isyu sa right-of-way kaya mababawasan ang problema ni Dizon ukol dito.
Magiging prayoridad naman ni Dizon sa kaniyang pagbabalik sa pwesto ang pagtiyak na pasok sa schedule ang mga transportation project.
Kabilang dito ang MRT-7 kung saan inaasahan ang partial operations sa 2nd quarter ng 2027, gayundin ang nagpapatuloy na expansion projects sa regional airports tulad sa Siargao, Caticlan, at Bukidnon na posibleng makumpleto sa pagitan ng 2026 at 2027.
Bukod dito, tinatrabaho rin ng DOTr ang North-South Commuter Railway at Metro Manila Subway Project kung saan target ang initial operations bago matapos ang termino ng kasalukuyang administrasyon.