Muling pinagtibay ng National Power Corporation at Philippine Tropical Forest Conservation Foundation, Inc. ang kanilang partnership para sa pangangalaga ng kagubatan, watershed at biodiversity.
Sa ilalim ng bagong three-year agreement, palalakasin ng dalawa ang reforestation at mga programa laban sa climate change.
Ayon kay NAPOCOR President Jericho Jonas Nograles, mahalaga ang malusog na kagubatan at watershed sa tuloy-tuloy na suplay ng kuryente.
Kabilang sa mga napangalagaang watershed sa kanilang dating partnership ang Angat, Upper Pulangi at Lake Lanao.
Inaasahang mapalalawak pa ng bagong kasunduan ang reforestation at pangmatagalang proteksiyon ng mga watershed sa bansa.