Tumanggap ng pagkilala ang Radyo Pilipinas Catanduanes mula sa Department of Trade and Industry (DTI) Catanduanes bilang pagkilala sa suporta at pakikiisa ng himpilan sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba ng ahensya sa lalawigan.
Personal na tinanggap ni Broadcast Station Manager Arlene O. Bagadiong ang pagkilala sa isinagawang aktibidad para sa pagdiriwang ng Consumer Welfare Month 2026 na may temang “Empowering Businesses, Recognizing Excellence, and Strengthening Partnerships” noong October 27 sa ARDCI Function Hall sa Virac, Catanduanes.
Ayon sa DTI-Catanduanes, kinikilala nila ang Radyo Pilipinas sa mahalagang kontribusyon nito sa pagsusulong ng kapakanan at proteksiyon ng mga mamimili, gayundin sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa responsableng kalakalan at mga karapatan ng consumer.
Tiniyak naman ng Radyo Pilipinas Catanduanes ang patuloy na suporta sa mga programa ng ahensya, lalo na sa pagpapalakas ng proteksiyon sa mga mamimili at pagtataguyod ng inklusibong pag-unlad ng ekonomiya sa lalawigan.