Magsisimula na sa November 1 ang Closed Fishing Season para sa isdang galunggong sa hilagang-silangang Palawan.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), tatagal ito hanggang January 31, 2027.
Mahigpit na ipagbabawal ang paggamit ng purse seine, ring net, at bag net sa itinakdang conservation area.
Layunin nitong bigyang-panahon ang galunggong na dumami at magparami.
Inaasahang makatutulong din ito sa pangangalaga ng yamang-dagat at pagpapanatili ng kabuhayan ng mga mangingisda.

