Posibleng hilingin ng mga mambabatas na tumutol sa pagpasa ng panukalang 2027 House General Appropriations Bill na magkaroon ng isa o dalawang kinatawan sa Bicameral Conference Committee, ayon kay Caloocan City Representative Edgar Erice.
Sinabi ni Erice na magpupulong muna sila upang pag-usapan ang pormal na paghiling sa liderato ng Kamara na isama ang kanilang kinatawan sa Bicam.
Layunin aniya nitong mabigyan sila ng pagkakataong talakayin at kuwestiyunin ang mga alokasyon at probisyong itinuturing nilang kuwestiyonable o posibleng labag sa Konstitusyon.
Hinimok din ni Erice na ilathala sa isang talahanayan na naghahambing sa mga alokasyon, gayundin ang paliwanag sa mahahalagang pagbabago sa panukalang budget bago ito pormal na ratipikahan.
Labintatlong mambabatas ang tumutol sa pagpapatibay ng House Bill 10858 o ang panukalang ₱7.2 trillion 2027 National Budget.