Pag-aaralan ng Department of Energy (DOE) ang iba pang hakbang para ibsan at maantala ang epekto ng paghina ng piso kontra dolyar.
Batid kasi ni Energy Secretary Sharon Garin na magreresulta ito sa mas mataas na gastos sa pag-angkat ng coal, diesel at liquefied natural.
Makikipagpulong ang kalihim kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Francis Saturnino Juan para sa mga posibleng hakbang ukol dito.
Muli namang hihilingin ni Garin sa local fuel retailers na ipatupad ang staggered o utay-utay na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.
Aniya, ginagawa ng gobyerno ang lahat para ibsan ang epekto, lalo’t may umiiral pa ring El Niño na posibleng magdulot ng mas mataas na demand sa kuryente at maaaring magresulta sa mas mataas na singil at mas maraming power outage.