Nasa Cebu na si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. para pangunahan ang ika-20 ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) at ang ika-13 ADMM-Plus simula ngayong araw hanggang bukas.
Bilang ang Pilipinas ang chairman ng ASEAN ngayong taon, mangunguna si Teodoro sa mga talakayan hinggil sa Regional Defence Dialogue at kooperasyon sa pagitan ng ASEAN member states at mga katuwang na bansa
Magiging sentro rin ng high-level talks ang pagtugon sa iba’t ibang hamong pangdepensa sa rehiyon ng Indo-Pasipiko sa ilalim ng temang “Navigating Our Future, Together.”
Kahapon, pormal nang nag-convene ang Ad hoc ASEAN Defence Senior Officials Meeting Working Group para isapinal nang ganap ang mga paghahanda sa pagpupulong.
Una na ring nakipagpulong si Teodoro sa Second Minister of Defence ng Brunei Darussalam gayundin kay United States Pacific Fleet Commander, Admiral Samuel Paparo bilang bahagi ng “sidelines” ng pagtitipon.

