Epektibo na simula ngayong araw ang dagdag singil sa toll sa CAVITEX R-1 Expressway Extension o mula Zapote patungong Kawit.
Ayon sa Toll Regulatory Board (TRB), ito ang ikalawa at huling tranche ng Toll rate adjustment na ipinatupad noong isang taon para maibsan ang malaking epekto nito sa gastusin ng mga motorista.
Dahil dito, madaragdagan ng ₱15 ang toll para sa CLASS 1 vehicles, ₱31 para sa CLASS 2 vehicles, at ₱46 para sa CLASS 3 vehicles.
Kaya naman, magiging ₱103 na ang toll mula Zapote patungong Kawit para sa CLASS 1 vehicles, ₱207 naman para sa CLASS 2 vehicles, at ₱310 para naman sa CLASS 3 vehicles.
Gayunman, nilinaw ng TRB na muling pagaganahin ang TOLL REBATE para sa Public Utility Vehicles (PUVs) gaya ng Jeepney, Bus, Modern Jeepnay at UV Express sa loob ng 60 araw.
Umiiral din ang kaparehong programa para sa mga truck na naghahatid ng mga produktong agrikultural na may accreditation mula sa Department of Agriculture (DA) hanggang November 30.