Inanunsiyo ng Estados Unidos ang karagdagang tulong pangseguridad nito para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ang pahayag ni US Secretary of War Pete Hegseth matapos ang naging pagpupulong nila ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa sidelines ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting at ADMM-Plus sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Sa inilabas na readout ng US Department of War sa Kampo Aguinaldo, nakasaad na tataasan ng Amerika ang Security Cooperation Fund para mapabilis ang AFP Modernization.
Layon nito na mapaigting ang kooperasyon ng mga magkakaalyado sa 1st Island chain na tumutukoy sa hanay ng mga isla mula Japan, pababa ng Taiwan, hilagang Pilipinas, at Southern Malay Region.
Dagdag pa ng US, nagkasundo sina Teodoro at Hegseth na maglunsad ng Alliance Command and Control Modernization Sprint para sa real-time Bilateral Coordination.
Malugod din nilang tinanggap ang pag-usad ng EDCA sites at anila’y storage facilities sa Pilipinas.
Nagpapatuloy ang hosting ng Department of National Defense (DND) sa ADMM at ADMM Plus sa Cebu na hindi dinaluhan ng Defense Chief ng China sa kabila ng imbitasyon dito.