Nanawagan ang National Council on Disability Affairs sa lahat ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang ligtas at maayos na pagpasok at paggalaw ng mga persons with disabilities sa mga sementeryo.
Alinsunod sa Accessibility Law at Magna Carta for Persons with Disabilities, dapat panatilihing maluwag ang mga daanan at walang anumang sagabal.
Kabilang din sa mga dapat tiyakin ang paglalagay ng pansamantalang rampa sa mga hagdan, malinaw na signage at sapat na ilaw.
Dapat ding alisin ang mga nakaparadang sasakyan, paninda at iba pang bagay na nakaharang sa mga itinalagang access routes.
Hinimok ng NCDA ang mga LGU na magsagawa ng inspeksyon at agarang gumawa ng mga kinakailangang hakbang bago dumagsa ang mga tao sa mga sementeryo ngayong Undas.